Bukidnon – Timbog ang Top 1 Regional Most Wanted Person ng Criminal Investigation and Detection Group at 1st Bukidnon Provincial Mobile Force Company sa kasong Frustrated Murder sa P-5, Brgy. 1, Malaybalay City, Bukidnon nito lamang May 2, 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Julius Clark Prisco Macariola IV, Hepe ng Malaybalay City Police Station, ang naarestong suspek na si alyas “June”, 35, at residente ng P-6, Brgy. Bangcud, Malaybalay City, Bukidnon.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder na walang inirekomendang piyansa.
Naging matagumpay ang operasyon ng PNP dahil sa patuloy na pakikipagtulungan ng mamamayan sa pagpapaigting kontra kriminalidad para sa tahimik at mapayapang pamayanan.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU10