Walang kawala sa kamay ng batas ang Top 1 Most Wanted Person sa Regional Level matapos arestuhin ng mga tauhan ng Baguio City Police Office sa Middle Quirino Hill, Baguio City nito lamang ika-16 ng Enero, 2025.
Kinilala Police Brigadier General David K Peredo, Jr, ang suspek bilang isang 37 anyos na binata, self-employed at residente ng Lower Kitma, Bakakeng Central, Baguio City.
Ayon kay PBGen Peredo Jr, inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong anim na bilang ng Statutory Rape at limang bilang ng Qualified Rape sa isang menor-de-edad at pawang walang piyansa, kasabay ng pitong bilang ng Sexual Assault at Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng Reevised Penal Code kaugnay sa Section 5 (B) ng Republic Act 7610 na may piyansa na Php200,000.
Patuloy pa rin ang pagsisikap ng PNP para sa agarang pag-aresto sa mga nagkasala at lumabag sa batas para sa mas ligtas at mapayapang Bagong Pilipinas.