Arestado ang itinuturing na Top 1 Regional Most Wanted Person ng Region 11 matapos ihain ang kanyang Warrant of Arrest para sa kasong Murder nito lamang ika-16 ng Mayo, 2025 sa Barangay J.P. Laurel, Panabo City, Davao del Norte.
Kinilala ng mga awtoridad ang suspek bilang si alyas “Muchtar,” 40 anyos, at residente ng Mabini, Davao de Oro.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Jess Anthony Maghirang, Hepe ng Panabo City Police Station, ang pagkakaaresto kay Muchtar ay resulta ng pinaigting na manhunt Charlie operation ng mga lokal na kapulisan, bilang bahagi ng kanilang patuloy na kampanya laban sa kriminalidad at sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa buong rehiyon.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino