Ilocos Sur – Arestado ang Top 1 Provincial Most Wanted Person sa ikinasang Manhunt Charlie Operation ng mga operatiba ng Police Regional Office 1 nitong ika-6 ng Enero 2023.
Kinilala ni Police Colonel Marlo Castillo, Provincial Director ng Ilocos Sur Police Provincial Office, ang suspek na si alyas Aldrin, 30, residente ng Brgy. 8, Vigan City, Ilocos Sur.
Ayon kay PCol Castillo, naaresto ang suspek sa bisa ng Alias Warrant of Arrest sa kasong paglabag ng RA 8042 o The Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995 na walang inirekomendang piyansa.
Ayon pa kay PCol Castillo, naaresto ang suspek bandang 5:00 ng hapon sa Sitio Sta. Elena, Jose Singson St. Brgy. 8, Vigan City, Ilocos Sur ng pinagsanib na operatiba ng CIDG Ilocos Norte, Batac City Police Station, Vigan City Police Station, Badoc Municipal Police Station, Provincial Investigation and Detective Management Unit at Provincial Intelligence Unit ng Ilocos Norte Police Provincial Office.
Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay tanda ng epektibong pagganap ng mga miyembro ng Philippine National Police ng kanilang mga tungkulin upang mabigyan ang mga mamamayan ng mas ligtas at mas payapang komunidad.
Source: Ilocos Sur Police Provincial Office
Panulat ni PSSg Bader Ceasar B. Ayco