Quezon City — Arestado sa Quezon City ang Top 1 Most Wanted Person ng CALABARZON na may patong patong na kaso sa isinagawang Manhunt Charlie ng PNP nito lamang Martes, Mayo 24, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Remus Medina, District Director ng Quezon City Police District, ang akusado na si Philip Andrei Libiado y Daulong, 26, single, lalaki, production crew, at residente ng Barangay Champaca, San Jose, Biñan, Laguna.
Ayon kay PBGen Medina, naaresto si Libiado bandang 1:20 ng tanghali sa harap ng Shell Gasoline Station na matatagpuan sa kanto ng EDSA at Mc Kinley Road, Makati City ng pinagsanib puwersa ng Intel Operatives and Tracker Team ng PS-1 ng QCPD, 5th MFC, RMFB-NCRPO at Agoncillo MPS.
Naaresto si Libiado sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 2 Counts of Rape na walang piyansang inirekomenda, 2 Counts of Rape by Sexual Assault na may piyansang Php120,000, at kasong paglabag sa RA 7610 o “Special Protection of Children against Abuse, Exploitation and Discrimination Act” na may rekomendadong piyansa na Php200,000.
Tiniyak ni PBGen Medina na patuloy ang QCPD sa pagsasagawa ng manhunt operations para sa mga kriminal na nagtatago sa batas.
Source: La Loma Qcpd
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=3203340223316929&id=100009229474711
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos