Navotas City — Nasakote ang Top 1 Most Wanted Person sa kaso nitong Murder sa isinagawang manhunt operation ng Navotas City Police Station nito lamang Huwebes ng hapon, May 12, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Ulysses Cruz, Northern Police District Director ang suspek na si Romeo Pumarca y Perante, 42, at residente ng Babanse St., Barangay NBBS Kaunlaran, Lungsod ng Navotas.
Ayon kay PBGen Cruz, naaresto si Pumarca dakong alas-2:05 sa kanya ring residential area ng mga tauhan ng Warrant Section at Sub-Station 3 ng Navotas CPS sa bisa ng Warrant of Arrest.
Tiniyak naman ni PBGen Cruz na ang buong pwersa ng NPD ay patuloy na makikipagtulungan sa ibang ahensya ng pamahalaan at sa komunidad para sa pagtugis sa mga taong may nakabinbin pang kaso.
Source: NPD PIO
###
Panulat ni Police Corporal Manuel