Mulanay, Quezon – Arestado ang Top 1 Most Wanted Person ng munisipalidad ng Mulanay sa operasyon ng Quezon PNP nitong Biyernes, Hulyo 01, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Joel Villanueva, Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office, ang naarestong suspek na si Micheal Aurin y Casapao, 28, at residente ng Brgy. Latangan Mulanay, Quezon
Ayon kay Police Colonel Villanueva, bandang 1:10 ng hapon naaresto ang suspek sa Brgy. Latagan, Mulanay, Quezon ng mga operatiba ng Mulanay Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na walang nirekomendang piyansa.
Ang tagumpay ng Quezon PNP ay bunga ng pinaigting at aktibong pakikipag-ugnayan sa pamayanan sa pamamagitan ng Community Mobilization Program (CMP).
Source: Quezon Police Provincial Office-PIO
###
Panulat ni Patrolman Mark Lawrence Atencio/RPCADU 4A