San Fernando City, La Union (February 14, 2022) – Arestado ang Top 1 Most Wanted Person (MWP) na illegal recruiter ng Baguio City sa Sitio Bataan, Brgy. Pagudpud, San Fernando City, La Union sa ikinasang Manhunt Charlie Operation dakong alas 12:20 ng umaga ng ika-14 ng Pebrero taong kasalukuyan.
Pinangunahan ng San Fernando City Police Station ang operasyon sa direktang pangangasiwa ng kanilang Officer-in-Charge na si Police Lieutenant Colonel Joffrey M. Todeno at pinagsanib puwersa ng Legarda Police Station 5, Baguio City Police Office (BCPO), Maritime Police Station (MARPSTA), Regional Intelligence Division (RID) 1, La Union Provincial Investigation Detective Management Unit (PIDMU), La Union Provincial Intelligence Unit (PIU), Technical Support Company (TSC) ng Regional Force Mobile Battalion (RMFB) 1, Regional Highway Patrol Unit (RHPU) 1 at 1st La Union Provincial Mobile Force Company (PMFC).
Kinilala ang suspek na si Gina Maribel Morales y Regamot, 58 taong gulang, may asawa, sari-sari store owner at kasalukuyang nakatira sa Sitio Bataan, Brgy. Pagudpud, San Fernando City, La Union.
Naaresto ang nasabing suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Illegal Recruitment na inilabas ni Hon. Ruben C. Ayson, Presiding Judge of Regional Trial Court, Br. 6, Baguio City, noong December 20, 2007 na may Criminal Case Number 27457-R at walang rekomendadong piyansa.
Ang suspek ay binigyan ng atensyong medikal at na turn-over na sa Legarda Police Station PS-5, para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.
Source: City of San Fernando Police Station
###
Panulat ni PSSg Carmela G Danguecan
Galing ng mga pulisya natin salamat