Bukidnon – Arestado ng Cabanglasan PNP ang Top 1 Municipal Most Wanted Person sa kasong Robbery sa Purok 8, Poblacion, Cabanglasan, Bukidnon nitong Lunes ika-13 ng Marso 2023.
Kinilala ni Police Captain Anwar Pendatun, Officer-In-Charge ng Cabanglasan Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Lex”, 38, at residente ng nasabing lugar.
Bandang 8:20 ng umaga nadakip ang suspek ng mga tauhan ng Cabanglasan Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Robbery.
Ang Cabanglasan PNP ay patuloy sa pagpapaigting sa paghuli sa mga Wanted Person sa kanilang nasasakupan para mapanatili ang payapa at maayos na komunidad.
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU10