Bukidnon – Timbog ng Damulog PNP ang Top 1 Most Wanted Person sa Municipal Level sa ikinasang operasyon sa Damulog, Bukidnon, nito lamang ika-27 ng Disyembre 2023.
Kinilala ni Police Colonel Jovit Culaway, Officer-In-charge ng Bukidnon Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Eldie”, 58, residente ng P-3 Brgy. Macapari, Damulog, Bukidnon.
Naaresto ang suspek bandang 6:50 ng gabi sa pinagsanib na pwersa ng Damulog PNP at Lantapan Municipal Police Station.
Nahaharap ang suspek sa kasong Murder at walang inirekomendang piyansa.
Ang operasyon ng PNP ay naging matagumpay dahil sa pakikipagtulungan ng mamamayan upang mapaigting ang kampanya kontra kriminalidad at mapanagot ang mga taong may sala sa batas.