Arestado ang isang Top 1 Most Wanted Person sa Municipal Level sa kasong Robbery with Homicide sa isinagawang law operation ng mga awtoridad sa Purok Kamungay, Barangay Anastacio, Polanco, Zambaonga del Norte nito lamang ika-28 ng Enero 2025.
Kinilala ni Police Colonel Rainier P Diaz, Provincial Director ng Zamboanga del Norte Police Provincial Office, ang naarestong suspek na si alyas “Rey”, 16 anyos, lalaki, at residente ng Anastacio, Zamboanga del Norte.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong Robbery with Homicide na walang inirekomendang piyansa.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan at seguridad na magkaroon ng maunlad sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Joyce Franco