La Union – Arestado ang Top 1 Municipal Most Wanted Person ng Bacnotan, La Union sa kasong Rape thru Sexual Assault nito lamang ika-15 ng Pebrero 2023.
Kinilala ni Police Major Felipe Ruiz, hepe ng Bacnotan MPS, ang suspek na si alyas “Jonathan”, 36, residente ng Brgy. San Martin, Bacnotan, La Union.
Ayon kay PMaj Ruiz, bandang 7:20 ng umaga nang naaresto ang suspek sa Brgy. Salincob, Bacnotan, La Union ng mga operatiba ng Bacnotan Municipal Police Station katuwang ang Provincial Intelligence Unit- La Union, at La Union 1st Provincial Mobile Force Company.
Dagdag pa ni PMaj Ruiz, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape thru Sexual Assault na may Php120,000 na rekomendadong piyansa.
Naging matagumpay ang operasyon ng PNP sa pagpapaigting ng kampanya laban sa mga taong may pananagutan sa batas dahil sa pakikipagtulungan ng mga mamamayan
Source: Bacnotan MPS
Panulat ni PSSg Carmela G Danguecan