Palawan – Arestado ang isang Top 1 Municipal Most Wanted Person sa isinagawang joint operasyon ng mga tauhan ng Quezon Municipal Police Station sa Brgy. Bohol, Dumaran, Palawan noong ika-18 ng Abril 2023.
Kinilala ni Police Major Ric Ramos, Chief PIO ng Palawan PPO, ang suspek na si alyas “Arnel”, 54 , residente ng Dumaran, Palawan.
Ayon kay PMaj Ramos, naaresto ang suspek sa isinagawang Joint operasyon ng mga tauhan ng Quezon MPS at Dumaran MPS sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape at walang inirekomendang piyansa.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa kampanya laban sa pagsugpo sa kriminalidad, droga at terorismo para sa kaligtasan ng mamamayan at ng bansa.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus