Pangasinan – Arestado ng Sual PNP ang isang lalaking wanted sa kasong murder sa Brgy. Sto. Niño, San Fernando City, Pampanga nito lamang Linggo, ika-14 ng Nobyembre 2023.
Kinilala ni Police Major Peter Paul Sison, Hepe ng Sual Municipal Police Station, ang suspek na si Jayson, 22, walang asawa at residente sa Brgy. Poblacion, Sual, Pangasinan.
Ayon kay PMaj Sison, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng Sual Municipal Police Station katuwang ang Criminal Investigation and Detection Group Provincial Field Unit Pampanga, sa kasong murder na walang nirekomendang piyansa.
Ang operasyon ng Sual PNP ay naging matagumpay sa pakikipagtulungan ng mamamayan upang mapaigting ang kampanya kontra kriminalidad para mapanagot ang mga taong may sala sa batas.
Source: Sual MPS
Panunulat ni PSSg Marvin Jake Romero