Pangasinan – Arestado ang isang lalaki na nakatala bilang Top 1 Municipal Most Wanted Person sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng pulisya sa Brgy. Poblacion, Bugallon, Pangasinan nito lamang Martes, ika-12 ng Abril 2023.
Kinilala ni Police Major Maria Theresa Meimban, Officer-In-Charge ng Bugallon Municipal Police Station, ang suspek na si alyas Ric, 46 at residente sa Brgy. Cayanga, Bugallon, Pangasinan.
Ayon kay PMaj Meimban, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng Bugallon Municipal Police Station sa kasong Frustrated Murder na may Php200,000 na inirekomendang piyansa.
Patuloy naman ang Bugallon PNP sa pagsisiguro ng katahimikan sa kanilang nasasakupan na lugar.