Samar – Arestado ng Samar PNP ang isang lalaking Top 1 Municipal Most Wanted Person ng San Jose De Buan na suspek sa panggagahasa sa Barangay 3, Catbalogan City, Samar nitong ika-20 ng Oktubre 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Jonathan Cuntapay, Chief of Police ng Catbalogan City Police Station, ang naaresto na si alyas “Tap-Ing”, 36, magsasaka at residente ng San Jose De Buan, Samar.
Ayon kay PLtCol Cuntapay, naaresto ang suspek dakong alas-10 ng umaga sa bisa ng Warrant of Arrest ng pinagsanib na pwersa ng mga operatiba ng Catbalogan CPS, San Jose De Buan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Lieutenant Precillano Luzano Cabanas, RID8 Tracker Team at Samar PPO-PIU sa pangunguna ni Police Captain Michael Ray Canete.
Ang naaresto ay nahaharap sa krimeng Rape na walang inirekomendang piyansa.
Ang Samar PNP ay patuloy na nagpupursige upang mahuli ang iba pang wanted person upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima at maprotektahan ang komunidad sa anumang uri ng kriminalidad.
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez