Arestado ng mga tauhan ng Bamban Municipal Police Station sa ikinasang manhunt operation ang tinaguriang Top 1 Most Wanted Person sa Municipal Level para sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 sa Sitio Mainang, Barangay San Nicolas, Bamban, Tarlac nito lamang Biyernes, ika-10 ng Enero 2025.
Kinilala ni Police Major Jessie James M Domingo, Acting Chief of Police ng naturang istasyon, ang suspek na isang lalaki, 33 anyos at residente ng nasabing barangay.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Patuloy ang Bamban PNP sa paghuli ng may pananagutan sa batas upang masiguro ang kaayusan at kapayapaan sa kanilang nasasakupan.
Panulat ni Pat Digna Jane Tenorio Malubay