Arestado ang isang Top 1 Municipal Most Wanted Person sa kasong Rape sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Purok 4, Lapu-Lapu Street. N.C.O. District, Padada, Davao del Sur nito lamang Disyembre 06, 2023.
Kinilala ni Police Captain William Catipay Jr, Officer-In-Charge ng Padada Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Boy”, residente ng nasabing lugar.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng mga miyembro ng Padada Municipal Police Station sa kasong 2 Counts ng Rape at walang piyansang inirekomenda.
Ang Police Regional Office 11 ay patuloy sa operasyon kontra kriminalidad at terorismo sa ilalim ng pamumuno ni Police Brigadier General Alden Delvo, Regional Director.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara