Arestado ang isang Top 1 Most Wanted Person sa Municipal Level sa 4 Counts of Rape sa isinagawang joint law enforcement operation ng Siayan Municipal Police Station katuwang ang 1st Zamboanga del Norte Provincial Mobile Force Company, Zamboanga del Norte Provincial Intelligence Unit, 901st Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 9 sa Sitio Riverside Barangay Poblacion, Siayan, Zamboanga del Norte nito lamang ika-30 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ni Police Captain Najib B Alip, Officer-In-Charge ng Siayan MPS, ang naarestong suspek na si alyas “Toto”, 47 anyos, lalaki, barber, at residente ng Sitio Galimon, Barangay Mangilay, Siayan, Zamboanga del Norte.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong 4 Counts of Rape na walang inirekomendang piyansa.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan at seguridad na magkaroon ng maunlad na isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Joyce Franco