Naaresto ng mga alagad ng batas ang isang Top 1 Municipal Most Wanted Person ng Masantol, Pampanga na may kasong paglabag sa RA 7610 sa Brgy. Nambaran, Sto. Domingo, Ilocos Sur nito lamang Lunes, ika-21 ng Nobyembre 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Alberto Ramos Jr., Officer-In-Charge ng San Ildefonso Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Boboy”, 33 at residente ng Brgy. Nambaran, Sto. Domingo, Ilocos Sur.
Ayon kay PLt. Ramos Jr., naging matagumpay ang pagkakaaresto sa suspek sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng San Ildefonso Municipal Police Station katuwang ang Masantol Municipal Police Station, Pampanga Police Provincial Office PRO 3, Sto. Domingo Municipal Police Station, Ilocos Sur Provincial Intelligence Unit, Provincial Drug Enforcement Unit at 1st Ilocos Sur Provincial Mobile Force Company.
Dagdag pa niya, naaresto si “Boboy” sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act at may kaukulang piyansa na Php80,000.
Patuloy naman ang isinasagawang operasyon ng San Ildefonso PNP upang hulihin ang lahat ng wanted person sa kanilang nasasakupan.
Panulat ni Patrolman Joshua A Jimenez