Arestado ng mga awtoridad ang tinaguriang Top 1 Municipal Most Wanted Person na may kasong Statutory Rape matapos mahuli sa Barangay Consolabao, Hinabangan, Samar nito lamang ika-03 ng Enero 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Alex C Dang-Aoen, Force Commander ng 2nd Samar Provincial Mobile Force Company, ang suspek na si alyas “Pisot”, 26 anyos at residente ng Barangay Consolabao, Hinabangan, Samar.
Bandang 9:58 ng gabi nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng 2nd Samar Provincial Mobile Force Company kasama ang 802nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 at Hinabangan Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Statutory Rape na walang piyansa.
Patunay lamang na ang Samar PNP ay hindi nagpapabaya sa kanilang sinumpaang tungkulin na hulihin ang mga taong tiwalag sa batas upang mapanatiling ligtas ang komunidad ng sa gayon maipatupad ang kapayapaan ng bansa para sa ligtas at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian