Walang takas sa mga awtoridad ang tinaguriang Top 1 Municipal Most Wanted Person na may kasong Statutory Acts of Lasciviousness matapos mahuli sa Barangay Masaba, Matag-ob, Leyte nito lamang Pebrero 14, 2025.
Kinilala ni Police Major Ted Dennis O Clemencio, Officer-In-Charge ng Matag-ob Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Dennis”, 38 anyos, magsasaka at residente ng Barangay Balagtas, Matag-ob, Leyte.
Bandang 6:30 ng umaga nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng Matag-ob Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Statutory Acts of Lasciviousness kaugnay sa Section 5(B) ng Republic Act 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act” na may piyansa na Php180,000 para sa pansamantalang kalayaan.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa pagtugis sa mga nagkasala at patuloy na nagkakasala sa batas upang matiyak ang kaayusan at katahimikan sa ating bansa. Dahil sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng pulis, ligtas ka!.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian