Himas rehas ang tinaguriang Top 1 Municipal Most Wanted Person na may kasong Homicide matapos mahuli ng mga awtoridad sa Barangay Mawodpawod, San Miguel, Leyte nito lamang ika-11 ng Oktubre 2024.
Kinilala ni Police Major Ambrocio V Demain, Officer-In-Charge ng San Miguel Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Robert”, 52 anyos, mangingisda at residente ng Barangay Mawodpawod, San Miguel, Leyte.
Naaresto ang suspek bandang 3:40 ng hapon ng mga tauhan ng San Miguel Municipal Police Station kasama ang Leyte Police Provincial Office-Provincial Intelligence Unit sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Homicide na may piyansa na Php120,000 para sa pansamantalang kalayaan.
Patunay lamang na ang Leyte PNP ay patuloy sa pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad at hulihin ang mga nagkasala sa batas upang magkaroon ng maunlad na bansa tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian