Leyte – Arestado ng mga awtoridad ang isang Top 1 Municipal Most Wanted Person sa Brgy. Itum, Matalom, Leyte, nito lamang Oktubre 5, 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Julio Tamayo Jr., Officer-In-Charge ng Matalom MPS, ang akusado na si William, residente ng Matalo, Leyte.
Naaresto si William ng mga tauhan ng Matalom Municipal Police Station kasama ang operatiba ng Southern Leyte Maritime Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong paglabag sa section 5 (B) ng RA 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act” na may inirekomendang piyansa na Php200,000.
Naging matagumpay ang operasyon ng pulisya sa patuloy na pakikipagtulungan ng mamamayan sa pagpapaigting ng kampanya laban sa mga taong may pananagutan sa batas para sa tahimik at ligtas na pamayanan.