Naaresto sa isang matagumpay na operasyon ng Urdaneta City PNP ang isang Top 1 Most Wanted Person sa kanilang lungsod na may kinakaharap na kasong Statutory Rape sa Barangay Anonas, Urdaneta City, Pangasinan dakong 9:46 ng gabi noong Pebrero 11, 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Rommel P Bagsic, Officer-In-Charge ng Urdaneta City PNP, ang suspek na si alyas “Inoy,” 21 taong gulang, isang laborer, at residente ng Zone 6, Barangay Anonas, Urdaneta City, Pangasinan.
Ayon kay PLtCol Bagsic, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest ng mga tauhan ng Urdaneta City PNP, kasama ang Regional Intelligence Division ng PRO 1 sa kaso nitong two counts ng Statutory Rape sa ilalim ng Article 266-A kaugnay sa Article 266-B ng Revised Penal Code, na walang inirekomendang piyansa.
Ang Urdaneta City PNP ay patuloy sa kanilang pinaigting na paghahanap at paghuli sa ibang nagtatago sa batas, upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng anumang krimen at mapanatili ang seguridad ng kanilang mamamayan.
Source: Urdaneta City Police Station
Panulat ni PSSg Johndel Supremo