Davao City – Arestado ang isang Most Wanted Person sa kasong murder ng tauhan ng Sasa Police Station sa Ma-a City Jail, Ma-a, Davao City, noong Agosto 1, 2022.
Kinilala ni PMaj Jake Goles, Station Commander ng nasabing istasyon, ang suspek na si James Bryan Gutierrez Bacason, 30, residente ng Bolton Isla, Brgy. 76-A, Bucana, Davao City na tinaguriang Top 1 Most Wanted Person sa station level.
Ayon kay PMaj Goles, inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest ng pinagsamang tauhan ng Sasa PS katuwang ang Regional Mobile Force Battalion 11 sa kasong murder na inilabas ng Regional Trial Court Branch 8 na walang inrekomendang piyansa.
Ang Police Regional Office 11 ay hindi titigil sa kanilang pagsisikap upang hulihin ang lahat ng Most Wanted Person sa lungsod sa pamumuno ni PBGen Benjamin Silo Jr., PRO11 Regional Director.
###
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara