Novaliches, Quezon City – Timbog ang Top 1 Most Wanted Person sa kasong Robbery at paglabag sa R.A. 10883 sa operasyon ng Novaliches PNP nito lamang Sabado, Abril 9, 2022.
Kinilala ni Quezon City Police District Director, PBGen Remus Medina ang suspek na si MJ Barrios, 31, at nakatira sa Barangay San Agustin, Novaliches, Quezon City.
Ayon kay PBGen Medina, bandang 3:30 ng hapon naaresto si Barrios sa tahanan nito ng mga operatiba ng Novaliches Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest para sa mga kasong Robbery at paglabag sa R.A. 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016.
“Ang matagumpay na pagkakaaresto sa akusado ay isang patunay ng aming determinasyong ilagay sa kustodiya ng kapulisan ang sinumang may pagkakasala sa ilalim ng batas, kahit saan man sila naroon,” ani PBGen Medina.
SOURCE: QCPD-PIO
###