Jomalig, Quezon – Arestado ang Top 1 Most Wanted Person (Municipal Level) sa kasong Rape sa manhunt operation ng Jomalig PNP nitong Biyernes, Abril 15, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Joel Villanueva, Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office ang suspek na si Jerome Albaña Pacheco, 31, residente ng Brgy. Talisoy, Jomalig, Quezon.
Ayon kay Police Colonel Villanueva, bandang 1:30 ng hapon naaresto ang suspek sa nasabing barangay sa manhunt operation ng Jomalig Municipal Police Station.
Dagdag pa ni Police Colonel Villanueva, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Anti-Rape Law of 1997 (RA 8353) na walang nirekomendang piyansa.
Ang PNP ay nagpapasalamat sa tulong ng mamamayan sa kanilang impormasyon na naging bunga ng pagkakaaresto sa mga taong may pananagutan sa batas upang mapanatili ang ligtas at maayos na komunidad.
Source: Jomalig MPS
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Elvis C Arellano