Daet, Camarines Norte – Arestado ang Top 1 Most Wanted Person (Municipal Level) sa kasong rape sa manhunt operation ng mga pulisya ng Daet, Camarines Norte nitong Biyernes, Abril 1, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Arnel De Jesus, Chief of Police ng Daet Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Andoy”, 30, binata, construction worker, residente ng Purok 3, Barangay Mancruz, Daet, Camarines Norte.
Ayon kay De Jesus, dakong 12:30 ng madaling araw naaresto ang suspek sa nabanggit na lugar ng mga operatiba ng Daet Municipal Police Station.
Mahaharap ang suspek sa kasong Rape kaugnay ng RA 7610 na walang inirekomendang piyansa.
Ang Kasurog ay walang humpay sa pagpapaigting ng kampanya laban sa kriminalidad upang managot sa batas ang suspek at mabigyan ng hustisya ang biktima.
Source: Daet MPS
###
Panulat ni Patrolman Jomar Danao
Salamat nhuli yan wanted n yan saludo ako sa mga pulis