Nasakote ng Mandug PNP ang isang wanted person sa kasong panggagahasa sa Callawa, Davao City nito lamang Pebrero 18, 2024.
Kinilala ni Police Major Jose Rodrigo B Mendoza, Station Commander ng Mandug Police Station, ang naaresto na si alyas “Nathaniel”, nasa wastong edad, residente ng nasabing lugar at tinaguriang Top 1 Most Wanted Person sa Municipal Level.
Ayon kay PMaj Mendoza, naging matagumpay ang operasyon sa pamamagitan ng pinagsanib na operatiba ng mga tauhan ng Mandug Police Station, Davao City Police Office at Criminal Investigation and Detection Group XI.
Ang suspek ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest dahil sa kasong 2 counts ng Statutory Rape o paglabag sa Republic Act 11648 na walang rekomendadong piyansa.
Samantala, ang laban kontra kriminalidad ay patuloy na pinapaigting ng Police Regional Office 11 sa pamumuno ni Regional Director Police Brigadier General Alden B Delvo alinsunod sa programa ng ating Pangulong Ferdinand R Marcos, Jr. na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan tungo sa isang bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Elhynn Joy G Pagsugiron