Abulug, Cagayan – Arestado ang Top 1 Most Wanted Person sa kasong paglabag sa RA 10591 ng mga operatiba ng Abulug nito lamang Biyernes, Abril 1, 2022.
Kinilala ni Police Major Ignacio Dijun Dinulong Jr, Hepe ng Abulug Police Station ang suspek na si alyas “Ferdie”, 50, magsasaka at nakatira sa Brgy. Libertad, Abulug, Cagayan.
Ayon kay PMaj Dinulong Jr, naaresto ang suspek bandang 9:20 ng umaga sa nasabing barangay ng pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng Abulug Police Station at ng 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company.
Ayon pa kay Dinulong, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 10591 at may rekomendadong piyansa na Php200,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Samantala, patuloy na hinihimok ni PMaj Dinulong Jr, ang komunidad lalo na ang mga mamamayan ng Abulug na lumahok at suportahan ang mga programa ng PNP. Dagdag pa rito, tiniyak niya na ang mga iba pang nakalistang wanted na indibidwal ay patuloy paring pinaghahanap sa ilalim ng kanyang pamumuno.
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Ma. Adelina Sandra C Rubio, Abulug PS
Congrats PNP salamat sa serbsiyong publiko