Rosales, Pangasinan – Arestado ang Top 1 Most Wanted Person (Municipal Level) sa kasong Murder sa operasyon ng Rosales PNP nito lamang Abril 26, 2022.
Kinilala ni Police Major Herminio Olivares, Chief of Police ng Rosales Municipal Police Station, ang suspek na si Randel Ausa y Rabara, 37, may asawa, manggagawa, residente ng Barangay San Jacinto, San Manuel, Tarlac.
Ayon kay PMaj Olivares, bandang 10:10 ng umaga naaresto ang suspek sa Barangay Rabago, Rosales, Pangasinan ng Rosales Municipal Police Station.
Ayon pa kay PMaj Olivares, naaresto ang suspek sa kasong Murder na walang rekomendadong piyansa.
Ang PNP ay patuloy na magsusumikap laban sa Most Wanted Persons para panagutan ang kasalanan at mabigyan ng hustisya ang biktima.
Source: Rosales MPS
###
Panulat ni PSSg Marvin Jake Romero