San Manuel, Pangasinan – Arestado ang Top 1 Most Wanted Person (Municipal Level) ng San Manuel sa kasong five counts of Rape sa Manhunt Operation ng PNP nitong Biyernes, Abril 15, 2022.
Kinilala ni Police Major Edgar Allan Serquiña, Hepe ng San Manuel Municipal Police Station, ang suspek na si Arvin Damaso y Aquino, 54, residente ng Barangay Maasin, Mangaldan, Pangasinan.
Ayon kay Police Major Serquiña, bandang 3:00 ng hapon naaresto ang suspek sa Barangay Cabaritan, San Manuel, Pangasinan sa COMELEC checkpoint ng pinagsanib na puwersa ng Regional Intelligence Division-PRO1, Regional Intelligence Unit1, Provincial Investigation Detective Management Unit, Provincial Intelligence Unit, 2nd Provincial Mobile Force Company (Tayug Base).
Ayon pa kay Police Major Serquiña, naaresto ang suspek sa bisa ng Alias Warrant of Arrest sa kasong five counts of Rape na walang rekomendadong piyansa.
Ang tagumpay ng PNP laban sa mga taong may pananagutan sa batas ay bunga ng pakikipagtulungan at pakikiisa ng mamamayan.
Source: San Manuel Municipal Police Station
###
Panulat ni PSSg Carmela G Danguecan