Tanay, Rizal – Arestado ang Top 1 Most Wanted Person (Municipal Level) ng Zamboanga del Sur sa kasong rape ng mga alagad ng batas nito lamang Lunes, Abril 4, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Franco Simborio, Regional Director ng Rehiyon 9, ang naarestong suspek na si Michael Binagatan Pallega, 43, kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Cuyambay, Tanay, Rizal.
Ayon kay PBGen Simborio, bandang 9:45 ng umaga naaresto si Pallega ng pinagsamang operatiba ng Polanco MPS at Tanay MPS sa bisa ng Warrant of Arrest para sa 3 Counts of Rape at walang rekomendadong piyansa.
Ang kapulisan ay mas pinaigting ang pagtugis sa mga taong nagkasala sa batas upang malagay sa likod ng rehas.
Source: Polanco Municipal Police Station
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Grace Neville L Ortiz
Tagumpay salamat s PNP