Eastern Samar – Arestado ng mga tauhan ng Eastern Samar at Tagbilaran City PNP ang Top 1 Most Wanted Person ng Tagbilaran City, Bohol sa Brgy. B, Borongan City, Eastern Samar nitong Miyerkules, ika-7 ng Disyembre 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Dexter Astacaan, Officer-In-Charge ng Borongan City Police Station, ang naaresto na si alyas “Jomar”, 39, may asawa, isang mason/carpenter, kasalukuyang residente ng Brgy. Rice, Borongan, Eastern Samar.
Ayon kay PLtCol Astacaan, naaresto ang suspek dakong 5:30 ng hapon sa isinagawang manhunt operation ng mga operatiba ng Borongan City PS, ESPHPT, Provincial Intelligence Unit – ESPPO at mga tauhan ng Tagbilaran City Police Station.
Ang akusado ay inaresto sa pamamagitan ng tatlong Warrant of Arrest sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan at seguridad ng mamamayan.