Romblon – Huli ang Top 1 Most Wanted Person (MWP) ng Romblon sa joint law enforcement operation ng PNP sa España, San Fernando, Romblon noong Sabado, Mayo 7, 2022.
Kinilala ni PCol Raynald Rosero Provincial Director, Romblon Police Provincial Office ang suspek na si Eddie Reaño Mangao, 53, tubong España, San Fernando, Romblon.
Ayon kay PCol Rosero, si Mangao ay naaresto sa joint law enforcement operation na pinangunahan ng San Fernando Municipal Police Station, kasama ang mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit ng Romblon PPO at Regional Intelligence Unit 4B sa nasabing lalawigan.
Ayon pa kay PCol Rosero ay inaresto si Mangao sa bisa ng Warrant of Arrest dahil sa krimen na 2 counts of Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa kampanya laban sa pagsugpo sa kriminalidad, droga at terorismo para sa kaligtasan at kapayapaan ng mamamayan at ng bansa.
Source- RPIO Mimaropa
###
Panulat ni Patrolman Joebet Balana