Antipolo City, Rizal – Naaresto ang Top 1 Most Wanted Person ng Rizal sa Manhunt Charlie ng mga kapulisan ng Antipolo City noong Huwebes, Marso 10, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director ng Rizal Provincial Police Office 4A ang suspek na si John Joseph Dometita, 34, residente ng Sitio Radar, Brgy. San Luis, Antipolo City, Rizal.
Ayon kay Police Colonel Baccay, bandang 2:38 ng hapon naaresto si Dometita sa kanyang tinitirhan sa pinagsanib na puwersa ng Antipolo City Police Station at Directorate for Investigation and Detective Management – Women and Children Protection Center.
Ayon pa kay Police Colonel Baccay, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape at walang nirekomendang piyansa.
Ang Pambansang Pulisya ay lalo pang paiigtingin ang kampanya laban sa mga taong may pananagutan sa batas at iba pang mga krimen sa tulong at suporta ng mamamayan upang mapanatiling tahimik at maayos ang pamayanan.
###
Police Executive Master Sergeant Joe Peter B Cabugon
Good Job mga Sir
Good job PNP