Ilocos Sur – Arestado ang Top 1 Most Wanted Person ng Region 4A sa ikinasang Manhunt Charlie Operation ng mga operatiba ng Ilocos Sur Police Provincial Office nitong ika-20 ng Pebrero 2023.
Kinilala ni Police Captain Mark Bryan Corpuz, Officer-In-Charge ng Santa Police Station, ang suspek na si Raymar Dameg y Bista, 28 at kasalukuyang nakatira sa Brgy. Quezon District, Santa, Ilocos Sur.
Ayon kay PCpt Corpuz, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa.
Ayon pa kay PCpt Corpuz, naaresto ang suspek bandang 10:10 ng umaga sa kanyang tinitirhan ng pinagsanib na tauhan ng Santa Police Station, Ilocos Sur Provincial Intelligence Unit, Regional Intelligence Unit 1, Regional Intelligence Division 1 at 2nd Ilocos Sur Provincial Mobile Force Company sa pakikipag-ugnayan sa Rizal Police Station ng Police Regional Office 4A.
Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay tanda ng epektibong pagganap ng mga miyembro ng Philippine National Police ng kanilang mga tungkulin upang mabigyan ang mga mamamayan ng mas ligtas at mas payapang komunidad.
Source: Santa Police Station
Panulat ni PSSg Bader Ceasar B. Ayco