San Fabian, Pangasinan – Naaresto ang Top 1 Most Wanted Person ng Dagupan City ng mga pulisya noong ika-19 ng Marso 2022, sa kasong Three Counts of Act of Lasciviousness.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Louise Benjie Tremor, Chief of Police ng Dagupan City Police Station ang suspek na si Ereneo Gonzales Aquino, 55, construction worker, residente ng Sitio Palatong, Bonuan Binloc, Dagupan City.
Ayon kay PLtCol Tremor, bandang 11:55 ng umaga naaresto si Aquino sa Brgy. Cayanga, San Fabian, Pangasinan ng mga operatiba ng Dagupan City Police Station, Regional Intelligence Division-Police Regional Office 1, Provincial Intelligence Unit, Pangasinan Provincial Police Office, PIDMU Pangasinan, 104th Mobile Company, Regional Mobile Force Battalion at San Fabian Police Station.
Ayon pa kay PLtCol Tremor, si Aquino ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Three Counts of Act of Lasciviousness kaugnay sa Art III. Sec 5 (B) ng RA 7610 na nilagdaan ni Hon. Sarah Sanchez Fernandez, Presiding Judge of Family Court, First Judicial Region, Branch 15, Dagupan City, Pangasinan noong Marso 18, 2022 na may Criminal Case Number 2020-0197-D, 2022-0198-D and 2022-0199-D na may rekomendadong piyansa na Php200,000.
Ang tagumpay ng operasyon ay bunga ng magandang ugnayan at samahan ng mga kapulisan at mga mamamayan para mapanatiling ligtas ang kumunidad sa anumang krimen.
Source: Pangasinan PPO
###
Panulat ni Patrolman Dennis P Carinal
Good job galing ng PNP