Caloocan City – Arestado ang Top 1 Most Wanted Person ng Caloocan City sa manhunt operation ng PNP sa kasong Robbery with Homicide, gabi ng Martes, ika-26 ng Abril taong kasalukuyan.
Kinilala ni Northern Police District Director Police Brigadier General Ulysses Cruz ang akusado na si Cortinople Caranzo y Velasco, 54, at residente ng Block 89, Lot 5, Caloocan City.
Ayon Kay PBGen Cruz, bandang 9:30 ng gabi, nahuli si Caranzo sa Caloocan City Jail, Talimusak cor. Tanigue St., Kaunlaran Village, Dagat-Dagatan, Lungsod ng Caloocan ng mga operatiba ng IDMS-Warrant at Subpoena Section ng Caloocan City Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest na walang rekomendadong piyansa.
Tiniyak naman ni PBGen Cruz na patuloy ang pagpapaigting ng kampanya ng Northern Police District para sa paghuli sa mga wanted person na nagtatago at may pananagutan sa batas.
Source: NPD PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos
Great job PNP salamat