Davao City – Arestado ang isang lalaki sa patuloy na isinasagawang Manhunt Charlie operation ng mga tauhan ng Sasa PNP sa Blk 5, Lot 24, Villa Apura, Visayan Village, Davao del Norte, noong Setyembre 6, 2022.
Kinilala ni PMaj Jake Goles, Station Commander ng Sasa Police Station, ang suspek na si alyas “Arthur”, 43, residente ng Brgy. Sasa, Davao City na tinaguriang Top 1 Most Wanted Person sa regional level.
Ayon kay PMaj Goles, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa mga kasong 6 Counts ng Sexual Assault, 3 Counts ng Lasciviousness Conduct, 2 Counts ng paglabag ng Section 10(a) ng R.A 7610 at Attempted Rape.
Dagdag pa ni PMaj Goles, naaresto ang suspek ng pinagsamang tauhan ng Sasa PS at Regional Intelligence Unit 11- City Intelligence Team kasama ang City Intelligence Unit -Davao City Police Office katuwang ang 1105th Maneuver Company Regional Mobile Force Battalion 11.
Pinuri naman ni PBGen Benjamin Silo Jr., PRO11 Regional Director ang pagkakadakip sa suspek at nagpasalamat sa mga mamamayan sa tiwala at suporta na ibinibigay upang mahuli ang mga wanted person sa rehiyon onse.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara