Kulungan ang bagsak ng Top 1 Most Wanted Person sa Municipal Level sa kasong Qualified Rape matapos maaresto ng kapulisan ng 705th Maneuver Company sa Sitio Caican, Barangay Cawitan, Sta. Catalina, Negros Oriental, noong ika-6 ng Disyembre 2024.

Kinilala ni Police Lieutenant Rodel Buccahan Valdez, Company Commander ng 705th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 7, ang suspek na si “Joey”, 37 anyos na residente ng nabanggit na lugar.
Bandang 9:34 ng umaga ng maaresto ng kapulisan ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Qualified Rape na kung saan ang biktima ay menor de edad na walang rekomendadong piyansa.
Ang matagumpay na pagkaaresto ng suspek ay bunga ng pinagsanib pwersa ng 705th MC, RMFB7, Sta Catalina MPS, at Regional Intelligence Unit 7.
Ang kapulisan ng Negros Oriental ay walang tigil sa pagsasagawa at pagpapaigting ng kampanya laban sa anumang uri ng kriminalidad upang masiguro ang kaayusan sa kanilang nasasakupan dahil sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng pulis, ligtas ka!.
Source: 705th MC SR