Balbalan, Kalinga – Arestado ang Top 1 Most Wanted Person (Municipal Level) sa kasong Rape sa isinagawang Manhunt Operation ng Kalinga PNP nito lamang Lunes, Hulyo 18, 2022.
Kinilala ni PCol Peter M Tagtag Jr, Acting Provincial Director, Kalinga Police Provincial Office, ang suspek na isang lalaki, 50, residente ng Brgy. Gawa-an, Balbalan, Kalinga.
Ayon kay PCol Tagtag Jr, naaresto ang suspek sa Lower Poblacion, Balbalan, Kalinga ng mga pinagsanib na operatiba ng Balbalan Municipal Police Station at Provincial Intelligence Unit ng Kalinga PPO.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa.
Ayon pa kay PCol Tagtag Jr, noong Abril 7, 2022 ng mangyari ang krimen sa Brgy. Gawa-an, kung saan ang suspek ay sekswal na inabuso at tinakot ang isang menor de edad na biktima gamit ang bolo.
Patuloy ang PNP sa pagtugis sa mga kriminal na nagtatago sa batas para mapanatili ang kaligtasan ng komunidad at kapayapaan sa buong bansa.
Source: Kalinga PPO
###
Panulat ni Patrolman Josua Reyes