Sto. Domingo, Ilocos Sur – Arestado ng Sto. Domingo Municipal Police Station ang isang Top 1 Most Wanted Person Municipal Level sa kasong Rape sa Brgy. Puerta Real, Sto. Domingo, Ilocos Sur nitong Martes, Hunyo 14, 2022.
Kinilala ni Police Executive Master Sergeant Benito T Ponce, Officer-in-Charge ng Sto. Domingo Municipal Police Station, ang suspek na si Connery Echave y Butardo, 46, residente ng nasabing lugar.
Ayon kay PEMS Ponce, naaresto ang suspek sa isinagawang operasyon ng Sto. Domingo MPS sa bisa ng warrant of arrest bandang 6:30 ng gabi.
Ang Sto. Domingo PNP ay patuloy sa pagpapaigting ng kanilang kampanya kontra kriminalidad upang tiyakin na ligtas ang mamamayan at mapayapa ang lugar na kanilang nasasakupan.
Source: Sto Domingo Municipal Police Station
###
Panulat ni Patrolman Joshua A Jimenez