Talakag, Bukidnon – Arestado ang Top 1 Most Wanted Person (Municipal Level) sa kasong Murder sa Brgy. Tagbak, Talakag, Bukidnon nito lamang Hulyo 10, 2022.
Kinilala ni Police Major Dennis Rowell Flores, Officer-in-Charge ng Talakag Municipal Police Station, ang naarestong suspek na si Dionesio Angga-on Hinganan 31, residente ng Brgy. Tagbak, Talakag, Bukidnon.
Ayon kay PMaj Flores, nadakip ang suspek bandang 2:15 ng hapon sa isinagawang joint operation ng mga operatiba ng Talakag Municipal Police Station, 1st Bukidnon Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence Unit at 1004th Maneuver Company sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang rekomendadong piyansya.
Isa na namang patunay na ang hanay ng PNP ay patuloy sa kanilang hakbang upang hulihin ang bawat personalidad na may pananagutan sa batas at para mabigyan ng katarungan ang kanilang mga naging biktima.
###
Panulat ni Patrolman Jomhel Tan/RPCADU 10