Real, Quezon – Naaresto ang Top 1 Most Wanted Person sa Manhunt Charlie ng mga pulisya ng Quezon nitong Miyerkules, Marso 2, 2022.
Hindi pinangalanan ni Police Colonel Joel Villanueva, Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office ang suspek na isang trabahador, 54, residente ng Poblacion 61, Real, Quezon.
Ayon kay Police Colonel Villanueva, bandang 12:45 ng tanghali naaresto ang suspek ng mga operatiba ng Real Municipal Police Station.
Ayon pa kay Police Colonel Villanueva, ang suspek ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na nilagdaan ni Hon. Raymund Joseph M. Sorongan, Acting Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 65, Infanta, Quezon noong Marso 1, 2022 para sa paglabag sa RA 7610 o “Special Protection of Children against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act (Anti-Child Abuse Law) na may Criminal Case number na 2022-56-I at may rekomendadong piyansa na Php80,000.
Sinisiguro ng Pambansang Pulisya na lalo pang palakasin ang kampanya laban sa kriminalidad para mapuksa ang mga kriminal at magkaroon ng payapa at maayos na bansa.
###
Panulat ni PEMS Joe Peter V Cabugon, RPCADU 4A
Galing salamat sa mga kapulisan