Jomalig, Quezon – Arestado ang Top 1 Most Wanted Person (Municipal Level) sa manhunt operation ng kapulisan ng Quezon nitong Biyernes, Abril 1, 2022 sa kasong murder.
Kinilala ni Police Lieutenant Richard Dela Cruz, Hepe ng Jomalig Municipal Police Station, ang suspek na si Norman Bong Clores, 47, residente ng Barangay Apad, Jomalig, Quezon.
Ayon kay PLt Dela Cruz, bandang 1:45 ng hapon naaresto si Clores sa nasabing barangay ng Jomalig MPS sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Ang tagumpay ng Pambansang Pulisya ay resulta ng patuloy na pakikipagtulungan at pagsuporta ng mamamayan upang mapanatiling ligtas ang komunidad.
Source: PR No. 04-2022-05
###
Panulat ni Patrolman Raymond T Fernandico
Galing talaga ng mga kapulisan