Bacarra, Ilocos Norte – Arestado ang isang Top 1 Most Wanted Person (Municipal Level) sa kasong Acts of Lasciviousness kaugnay sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law ng Ilocos Norte PNP sa Pasuquin, Ilocos Norte nito lamang Sabado, ika-17 ng Setyembre 2022. Â
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Jonathan B Papay, Chief PIU-INPPO, ang suspect na si Mark Lester Tacata y Aguda alias “Kulas”, 29, residente ng Brgy. 3, Pasuquin, Ilocos Norte. Â
Ayon kay PLtCol Papay, naaresto ang suspek bandang 12:05 ng hapon ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit, INPPO (lead unit), Bacarra Municipal Police Station at Pasuquin Municipal Police Station. Â
Ayon pa kay PLtCol Papay, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Acts of Lasciviousness kaugnay sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act na may inirekomendang piyansa na Php150,000. Â
Ang pagkakaaresto sa suspek ay tanda ng epektibong pagganap ng mga miyembro ng Philippine National Police ng kanilang mga tungkulin upang mabigyan ang mga mamamayan ng mas ligtas at mas payapang komunidad. Â
Source: Bacarra MPS
Panulat ni PSSg Lhenee B Valerio