Antipolo City, Rizal – Arestado ang Top 1 Most Wanted Person (Municipal Level) sa bayan ng Baras sa isinagawang operasyon ng Baras PNP nito lamang Miyerkules, Mayo 4, 2022 sa kasong paglabag sa RA 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2006.
Kinilala ni Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang suspek na si Darwin Taillisma Bardel.
Ayon kay PCol Baccay, bandang 7:20 ng umaga naaresto ang suspek sa Sitio Riza, Brgy. San Jose, Antipolo City ng mga operatiba ng Baras Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2006 na may inirekomendang piyansa na Php300,000.
Binigyang pugay naman ni PCol Baccay ang mga tauhan ng Baras MPS sa mas pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad at mga taong may sala sa batas.
Source: Rizal Police Provincial Office
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Ronald V Condes