Lebak, Sultan Kudarat – Arestado ang Top 1 Most Wanted Person (Municipal Level) at prime suspect sa pamamaril sa apat na katao sa operasyon ng mga otoridad ng PNP-AFP sa Sitio Tuka, Brgy. Datu, Karon Lebak, Sultan Kudarat nitong Huwebes, Marso 31, 2022.
Kinilala ni Police Major Joel Casero Martinez, Chief of Police ng Lebak MPS, ang suspek na si Dinder Kamsa Saluden alyas Den Den Rakman Saludin, may asawa, 31, karpintero, residente ng nasabing lugar.
Ayon kay PMaj Martinez, sumuko ang suspek kay Uztads Wahad Hussien, MILF Coordinating Committee on the Cessation for Hostilities (CCCH) at itinurn-over sa Lebak Municipal Police Station.
“Pagtapos ng nangyari sumibat na yung dalawa kong kasamahan dala yung bangka ko”, ani Den Den at kaniyang kinilala ang dalawa pa niyang kasamahan sa pamamaril na sina alyas Rakman at Dick na patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad.
Matagumpay na sumuko ang suspek sa pinagsanib puwersa ng Lebak MPS, 2nd SKPMFC sa pamumuno ni PLtCol Josie Marie Simangan, Force Commander, RID 12, Charlie Coy 57th Infantry Battalion sa pangunguna ni 1Lt Marjoe Pedro at nang pamunuan ng MILF CCCH.
Dagdag pa ni PMaj Martinez, inihain pa ng kanilang tanggapan ang Warrant of Arrest para sa kasong 3 counts ng Murder at paglabag sa Sec. 3 par. (2) ng PD 1613 o Crime of Arson na walang inirekomendang piyansa.
Pinuri ng Lebak Municipal Police Station sa pamumuno ni PMaj Martinez ang pagsisikap ng operating team para madakip ang isa sa mga suspek.
Ang matagumpay na operasyon ay nagpapakita lamang na laging handa ang PNP at AFP na pagsilbihan at protektahan ang komunidad.
###
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin
Galing ng mga alagad ng batas
Maraming salamat po Team PNP